chhome.html

搜尋

其他語言

Ang Nilalaman sa Ibang Mga Wika (Tagalog)

Ang bersyong Tagalog sa websayt ng Kabang-yaman ay naglalaman lamang ng napiling mahahalagang impormasyon. Makukuha mo ang buong nilalaman ng aming websayt sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.

Ang Aming Pananaw, Misyon at Mga Katangian

Ang pananaw ng Kabang-yaman ay ang mamuno at maging mahusay sa pagbibigay ng mga serbisyo ng pagkukwenta at pamamahala ng pananalapi sa Pamahalaan. Alinsunod sa pananaw na ito, nagsusumikap kaming makamit ang isang misyon na sumasaklaw sa tatlong pangunahing katangian ng Propesyonalismo, Pangangasiwa at nakatutok sa Kustomer.

Ang Aming mga Serbisyo

  • Mga Pangkalahatang Pagkukwenta, Koleksyon at Pagbabayad

Ang Kabang-yaman ay nagtitipon at nagpapanatili ng mga account ng Pamahalaan. Ito ay nagsisilbing pangkalahatang punong tagabayad ng Pamahalaan kaugnay sa mga kalakal at serbisyo na nakuha at mga pagkakaloob. Inaayos din nito ang pagkakaloob ng isang pangkalahatang serbisyo sa pagkolekta kaugnay ng mga singil, upa ng pamahalaan, bayad sa lupa, singil sa tubig at dumi sa imburnal at iba pang uri ng kita.

  • Pagbabayad ng Sahod sa Serbisyo Sibil, Mga Alawans, Benepisyo at Pensyon

Ang Kabang-yaman ay nagsisilbing punong tagabayad ng Pamahalaan para sa mga sahod, mga alawans, mga pagkakaloob ng kontrata, mandatoryong pondong kaloob at mga kontribusyon ng Pondong Kaloob ng Serbisyo Sibil, at iba pang benepisyo para sa mga manggagawang-sibil pati na rin ang mga pensyon para sa mga retiradong manggagawang-sibil at iba pang karapat-dapat na tao sa ilalim ng kaugnay na mga pagsasabatas, regulasyon, at mga tuntunin. Ito ay nagsasagawa at nagpapanatili ng pangkalahatang mga sistema ng Pamahalaan sa pagbabayad at pensiyon.

  • Mga Serbisyong Pagkukwenta at Pamamahala sa Pananalapi sa Mga Kawanihan at Kagawaran

Ang Kabang-yaman ay nagsasagawa at nagpapanatili ng pangkalahatang mga sistema ng pagkukwenta at impormasyon sa pananalapi para sa kontrol sa badyet ng gastos at kita ng mga kawanihan at kagawaran at para sa produksyon ng mga account ng Pamahalaan, pati na rin ang iba pang mga sistema ng pagkukwenta at paggastos upang tulungan ang mga kawanihan at kagawaran upang matukoy ang gastos ng kanilang mga operasyon at serbisyo at sa mas mahusay na pamamahala ng mga mapagkukunan na maaari nilang magamit.

Ang Kabang-yaman ay nagbibigay ng buong hanay na suporta sa pagkukwenta at pananalapi at mga serbisyong pagpapayo sa mga kawanihan at mga kagawaran, kabilang ang pagtatakda ng mga tagubilin sa pagkukwenta at mga patakaran sa paggastos, at pagpapayo sa mga usapin sa pagkukwenta, paggastos at pamamahala sa pananalapi. Nagbibigay din ito ng regular na pagsasanay para sa mga kawani ng mga Ranggo ng Kabang-yaman upang matiyak na ang mga serbisyong ibinibigay nila ay mananatiling mataas ang propesyonal na kalidad.

  • Pamamahala ng Pondo

Pinamamahalaan ng Kabang-yaman ang mga portpolyo ng pamumuhunan ng Pagkakaloob at Mga Pondong Kaloob para sa Mga Tinustusang Paaralan, ang Pondo ng Kalidad na Edukasyon, ang Pondo ng Scholarship ng Pamahalaan ng HKSAR, ang Pondo ng Self-financing Post-secondary Education, ang Pondo ng Sir David Trench for Recreation, ang Pondo ng Beat Drugs at ang Pondo ng AIDS Trust na may layuning makamit ang makatwirang pagbabalik sa pamumuhunan sa pamamagitan ng maingat na pamumuhunan. Tinitiyak din nito na ang mga Pondo ay pinamamahalaan nang mahusay at ang lahat ng gastusin mula sa Mga Pondo ay tama at kaagad nagagawa.

Pagsusulong ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi

Ang Kabang-yaman ay nakatuon sa pagbibigay ng mga kalidad na serbisyo at matiyak ang pantay na paglapit sa mga serbisyo ng publiko, anuman ang kanilang pagkakaiba-iba sa kultura at wika dahil sa pagkakaiba ng lahi. Mangyaring sumangguni sa talaan ng mga hakbang para sa mga detalye.

Close menu